BICOL ADVENTURE DAY 01
Bago mag simula ang roadtrip namin, laging may dalawang tanong na sumasagi sa aking isipan. Bilang isang ordinaryong manlalakbay nais kong malaman ang pagkakaiba ng mga lugar na aking na puntahan at mapupuntahan at bilang isang historian/sociologist (in the making *cough*)nais ko naman malaman kung paano na buo o sa’n nagsimula ang lugar na aking pupuntahan, tuklasin ang mga bagay na maaring bago sa paningin ng iba… O’ di kaya’y maganda sa paningin ng iba. Habang nasa byahe sa Turbina Bus Station papuntang Bicol, maraming sumasagi sa aking malikot na isipan. Ano nga bang meron sa Bicol bukod sa kakaibang dialect/salita, maanghang na pagkain, at sikat na mayon volcano? Hindi ko alam ang pupuntahan namin, ako kasi ang klase ng taong mahilig sa surpresa… Hindi ako matanong na tao, kung ano man ang madadatnan namin sa aming pupuntahan… Kahit ano pa yan, magiging masaya ako… Dahil na patapat kami sa semana santa at katoliko romano ang aking kapatid at ina, nais nilang ma...