BICOL ADVENTURE DAY 01


Bago mag simula ang roadtrip namin, laging may dalawang tanong na sumasagi sa aking isipan. Bilang isang ordinaryong manlalakbay nais kong malaman ang pagkakaiba ng mga lugar na aking na puntahan at mapupuntahan at bilang isang historian/sociologist (in the making *cough*)nais ko naman malaman kung paano na buo o sa’n nagsimula  ang lugar na aking pupuntahan, tuklasin ang mga bagay na maaring bago sa paningin ng iba… O’ di kaya’y maganda sa paningin ng iba.
Habang nasa byahe sa Turbina Bus Station papuntang Bicol, maraming sumasagi sa aking malikot na isipan. Ano nga bang meron sa Bicol bukod sa kakaibang dialect/salita, maanghang na pagkain, at sikat na mayon volcano?
 Hindi ko alam ang pupuntahan namin, ako kasi ang klase ng taong mahilig sa surpresa… Hindi ako matanong na tao, kung ano man ang madadatnan namin sa aming pupuntahan… Kahit ano pa yan, magiging masaya ako…
Dahil na patapat kami sa semana santa at katoliko romano ang aking kapatid at ina, nais nilang malibot ang mga kilalang simbahan sa Legazpi at Sorsogon…Hmmm… Wala naman kaso sa akin yun, hindi man ako katoliko; mahilig naman akong kumuha ng mga litrato at magmasid sa mga kakaibang disenyo ng mga simbahan.
DAY 1 – April 3, 2012 (Mahabang paglalakbay)







11:30 am ang oras ng alis ng Bus. Sabi ng ticket seller, 8 hours ang byahe papuntang Bicol. Seat number 26, 27, 28. Tabi kami ni ate… Si mama sa left side.











Nasa Bus kami ng mga panahon na ito, sumasang ayon ang ngiti ni haring araw. Ang tanawin na nakikita ninyo ay nakunan ko sa isang baryo sa Quezon province. Sa sobrang haba ng byahe, text ako ng text sa mga kaibigan at mga guro ko… Pantanggal bagot, at para makamusta rin sila. =)
9:48 am. Nagsimula akong magtext sa kanila: “..Morning dearest! Yes! Nkpagload din sa wakas. Bus mode hir in Turbina. Ingat pos a babyahe… Sa mahabang bakasyon… Wag po natin kalimutan si God… And like I always said: Feed your faith, and your doubts will starve,. Morning earthlings. God bless. Pax en terra”
Malakas makangalay ang byahe, hindi ganun kasaya ang na upuan ko… Kaya nagkaroon na ako ng stiff neck… Hahah… hindi ako makatulog… Habang tumatagal, lalong lumalakas ang aircon sa Bus… Para akong frozen meat na hindi na benta sa merkado… Hahah… May mga ilang bahagi ng Quezon province na wala talagang connection… At na realize ko na, naiwan ko yung charger ng phone ng globe ko. T.T … Thanks to my dearest friend Jessa, dahil tinawagan nya ako… Hahah… Infariness, na buhay ang dugo at sipon ko nung tumawag sya. =)



May kakaibang nakasulat sa puno na nakakuha ng atensyon ko, +960 … Hmmm… Ano kaya ibig sabihin nito? 9+6 = 15 … 1+5= 6… Hmmm… So remaining 6 hrs ba ang ibig sabihin nito?? Heheh. =)
Malakas na ang hamog pagsapit ng dapit hapon.

















TUNA PIE!!!! Super thank you sa Tuna Pie na ito.. Hahah! One of my favorite! At dahil s kanya, hindi ko na gutom… Thanks Jollibee! =) ... Kain tayo. Ahahah

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Panaginip..Isang linggong panaginip

Q and A part 1 =)