Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2011

Little things for my one and only.. =)

Imahe
Tall dark and handsome That's what I've heard the criteria to be What about the little things that make him so special to me That little dimple he gets when he makes that funny face Or when he just holds me and I feel his strong embrace When he laughs, I hear a "he, he, he" Isn't it funny...how when your not looking for love... that it comes your way... You can't pick the moment... You can't pick the day... I pinch myself... I shiver in delight... I bathe in the glow of your shimmering shining... heavenly light... Why I was in the same place at the same time... I cannot say... You shower me with love... Each and every day... You have the key to my heart… God gave us a brand new start The other half of my soul... The missing link... The one who knows what and how I think... You are my inspiration... My lover... My mentor... My knight in shining armor... My prince charming... My best friend... My Protector... I hunger to feel you...

Muni-Muni # 03 God??

Imahe
Grabe!! Nakakapagod! Parang walang katapusan ang pagod ko. . Haaay.. Nagtanong ako sa Diyos, “Panginoon, napapagod na po ako. Lagi na lang bang ganito? ” Habang naglalakad sa gilid ng isang gusali sa Letran, may biglang sumulpot na katanungan sa aking isipan. “Elgine, bigyan mo ako ng limang rason kung bakit kailangan mong maging masaya ngayon?”     “Hmmm.. Ang limang rason ko ay una: Ikaw po. Kasi mahal mo po ako. At halos lahat ng dinadasal ko ay tinutupad po nyo.   Ikalawa:   Magkakasama pa rin po kami ng pamilya ko hanggang ngayon,kahit na may konting problema alam kong mareresolbahan basta’t sama-sama at hindi sumusuko basta basta(heheh..). Ikatlo: Hindi po kami na nagkakasakit ng malubha o’ na aaksidente at kung ano pa man. Ika apat: Nakakapag- aral po ako at may mga makukulit na kaibigan.   Ika lima: Nagmamahal po ako sa isang lalaki. Na mahal na mahal po ako, na malambing, na mapagmahal,na kayang isakripisyo ang lahat para sa akin. ”  ...

Muni-Muni # 02 Pampasaherong Jeep

Nakasakay ako ngayon sa jeep, pauwi na. dala-dala ko ang isang malaking aklat,dalawang folder ng asul, at ang aking bag. Ako pa lang ang pasahero ni manong, umusod ako malapit sa kanya at nag abot ng bayad. Maya-maya pa ay may isang ginang na dali-daling umupo at kinulbit ako. Nairita ako sa totoo lang, dahil hindi ako ganun para mag-abot ng bayad. Isa pa, hindi ako ang tsuper para kulbitin lang. Parang ayoko ng abutin pa ang sukli ng ginang sa pagka irita ko.     Naalala ko tuloy ng panahon na nasa grade 1 ako. Sakitin ako, hindi dahil sa gusto kong hindi na pumasok kundi sa gusto kong dinadalhan ako ng mama ko ng tinapay at milo sa higaan.     Nung mga panahon nay un, halos buwan buwan ako magkasakit, pero hindi ko man lang nakita ang mama ko na napapagod akong pagsilbihan, pakainin at alagaan. Sa aking isipan, gumuho, lumindol, bumaha man ng bagka lakas lakas, pero ang mama ko hinding- hindi magbabago.     Isang araw nagkasakit ang akin...

Muni-Muni # 01

Ang pangalan ko ay Elgine Cerdeña, nagsimula akong mag-aral nung limang taon gulang palang ako at hanggang ngayon ay patuloy na nag-aaral sa kolehiyo. Kasalukuyang kumukuha ako ngayon ng kursong Computer Science dahil sa alam kong isa ito sa mga kursong hindi nawawalan ng trabaho. Mahilig akong mag roadtrip hindi lang dahil sa gusto kong makapunta sa iba’t ibang lugar kundi dahil sa hilig ko talagang magtitingin ng tanawin sa may bintana ng sasakyan at matulog habang nasa daan. Hilig ko ang pagsulat ng kwento, pagtututog ng violin at pagguhit ng mga tao,bagay at pook. Madali akong maki halubilo sa iba,madaldal sa mga taong nakapalagayan ko na ng loob, masayahin, kakaiba, weird sabi ng iba, at simple. Ano ang ibig sabihin ng buhay para sa akin             Para sa akin, ang buhay ay pamilya, kaibigan at minamahal na pinagkakatiwalaan mo at pinagkakatiwalaan ka. Lagi akong positibo dahil para sa akin, walang patutunguhan ang bu...