Muni-Muni # 03 God??

Grabe!! Nakakapagod! Parang walang katapusan ang pagod ko. . Haaay.. Nagtanong ako sa Diyos, “Panginoon, napapagod na po ako. Lagi na lang bang ganito? ” Habang naglalakad sa gilid ng isang gusali sa Letran, may biglang sumulpot na katanungan sa aking isipan. “Elgine, bigyan mo ako ng limang rason kung bakit kailangan mong maging masaya ngayon?”
    “Hmmm.. Ang limang rason ko ay una: Ikaw po. Kasi mahal mo po ako. At halos lahat ng dinadasal ko ay tinutupad po nyo. 
Ikalawa:  Magkakasama pa rin po kami ng pamilya ko hanggang ngayon,kahit na may konting problema alam kong mareresolbahan basta’t sama-sama at hindi sumusuko basta basta(heheh..). Ikatlo: Hindi po kami na nagkakasakit ng malubha o’ na aaksidente at kung ano pa man. Ika apat: Nakakapag- aral po ako at may mga makukulit na kaibigan.  
Ika lima: Nagmamahal po ako sa isang lalaki. Na mahal na mahal po ako, na malambing, na mapagmahal,na kayang isakripisyo ang lahat para sa akin. ”

    Pagkatapos kong maisip ang mga rason ko nay un biglang gumaan ang pakiramdam ko at sumaya ako.  Dahil dito ang ibang kahulugan sa akin ng buhay ay nagbago. Lagi kong tinitingnan ang mabuting na gawa ng Panginoon para sa atin.
    Tayo ang pumipili kung magiging masaya tayo o’ patuloy na magmumukmok sa kalungkutan. Ikaw, anong pipiliin mo?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Panaginip..Isang linggong panaginip

Q and A part 1 =)

BICOL ADVENTURE DAY 01