Muni-Muni # 02 Pampasaherong Jeep
Nakasakay ako ngayon sa jeep, pauwi na. dala-dala ko ang isang malaking aklat,dalawang folder ng asul, at ang aking bag. Ako pa lang ang pasahero ni manong, umusod ako malapit sa kanya at nag abot ng bayad. Maya-maya pa ay may isang ginang na dali-daling umupo at kinulbit ako. Nairita ako sa totoo lang, dahil hindi ako ganun para mag-abot ng bayad. Isa pa, hindi ako ang tsuper para kulbitin lang. Parang ayoko ng abutin pa ang sukli ng ginang sa pagka irita ko.
Naalala ko tuloy ng panahon na nasa grade 1 ako. Sakitin ako, hindi dahil sa gusto kong hindi na pumasok kundi sa gusto kong dinadalhan ako ng mama ko ng tinapay at milo sa higaan.
Nung mga panahon nay un, halos buwan buwan ako magkasakit, pero hindi ko man lang nakita ang mama ko na napapagod akong pagsilbihan, pakainin at alagaan. Sa aking isipan, gumuho, lumindol, bumaha man ng bagka lakas lakas, pero ang mama ko hinding- hindi magbabago.
Isang araw nagkasakit ang aking mama, Pumunta ako sa kwarto nya, upo ako sa gilid ng kama at nag usap ng mga gusto nyang pag-usapan. Para sa akin ang pag-uusap naming ni mama ay mas masarap pa sa mga tinapay sa buong mundo. Masaya ako, habang katabi si mama. May sinulat ako para sa kanya at binasa ko yun sa kanya.
Mama,
Alam ko malimit hindi mo ako makasama kasi lagi po akong may pasok. At nagpapasalamat po ako sa suportang binibigay mo po sa akin.
Pero kung magkakaroon po ulit kayo ng sakit, at wala pong tao sa bahay para bigyan po kayo ng tinapay at milo, gusto ko pong malaman mo na ang gagawin mo lang po ay tawagan ako. At pupunta po ako para sa’yo at opo, mag-uusap tayo ng kahit anong gusto po ninyong pag-usapan.
Ikaw, ang isa mama sa pinaka magandang kwento ng buhay ko. Ikaw ang the Best na mama para sa akin.
Maaaring hindi kana po ganun ka bata gaya ng pag-aalaga mo sa akin nung bata pa po ako, pero malaki na po ako para alagaan ka.
Hindi ko man po ito palaging sina sabi pero gusto ko pong sabihin sa’yo na mahal na mahal po kita mama.
Mahal na mahal.
Ibinigay mo po sa akin ang buhay mo.
Salamat po.
“Iha, paki abot nga yung sukli” sagot ng ginang sa akin. Pagka abot ko sa kanya ng sukli nya, “Salamat ha” sabi nya sa akin. “Wala pong anuman.” Sagot ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento