Muni-Muni # 01



Ang pangalan ko ay Elgine Cerdeña, nagsimula akong mag-aral nung limang taon gulang palang ako at hanggang ngayon ay patuloy na nag-aaral sa kolehiyo. Kasalukuyang kumukuha ako ngayon ng kursong Computer Science dahil sa alam kong isa ito sa mga kursong hindi nawawalan ng trabaho. Mahilig akong mag roadtrip hindi lang dahil sa gusto kong makapunta sa iba’t ibang lugar kundi dahil sa hilig ko talagang magtitingin ng tanawin sa may bintana ng sasakyan at matulog habang nasa daan. Hilig ko ang pagsulat ng kwento, pagtututog ng violin at pagguhit ng mga tao,bagay at pook. Madali akong maki halubilo sa iba,madaldal sa mga taong nakapalagayan ko na ng loob, masayahin, kakaiba, weird sabi ng iba, at simple.


Ano ang ibig sabihin ng buhay para sa akin


            Para sa akin, ang buhay ay pamilya, kaibigan at minamahal na pinagkakatiwalaan mo at pinagkakatiwalaan ka. Lagi akong positibo dahil para sa akin, walang patutunguhan ang buhay ng isang tao kung lagi na lang poproblemahin ang problema na. Katulad din ng ibang tao, nagkakaroon din ako ng topak, nalulungkot at na de depressed.  Pero sa tingin ko normal lang yun sa isang tao di ba? Mayroon akong bilang na mga kaibigan na nagbibigay kulay sa mundo ko, na karamay ko kapag may problema ako. Ang buhay para sa akin ay katulad ng pag gising sa umaga upang makatuklas ka ng bagong kaalaman, makipagkita ka sa mga taong matagal mo nang hindi nakikita at makipag usap ng mga bagong usapin, pag-alala na tumatanda kana pero pakiramdam mo bata ka pa rin, lagi kang abala sa maraming bagay pero nakakahanap ka ng paraan para makangiti, at nakakaalala ka sa mga taon na nakalipas at iniisip mo magandang kinabukasan. Alam ko, may dahilan ang Diyos kung bakit ako nandito, may dahilan ang lahat.Maaaring nandito  ako dahil para ma bless ang ibang tao, para ma inspire ang iba, at para mag bigay ng positibong impluwensya sa iba. Maaaring nandito tayo, dahil sa alam nya na magagamit nya tayo bilang  kanyang kamay, paa, at bibig upang makapag hayag ng kanyang gawain.


Anong iniisip ko sa hinaharap


            Sa taong 2015, malamang graduate na ako ng kolehiyo. Nagsisimula ng matupad ang lahat ng pangarap ko para sa sarili ko, sa pamilya ko, at sa nag-iisa kong asawa. Mayroon na akong permanenteng trabaho. Iniisip ko pa rin ang pagtira ko dito sa Laguna kasama ang aking asawa at mayroon na kaming tatlong anak. Mayroon kaming magandang buhay ng anim na taon at magtatagal ito pang habang buhay. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Panaginip..Isang linggong panaginip

Q and A part 1 =)

BICOL ADVENTURE DAY 01