LRT
Isang klase ng pampublikong sasakyan na bunga ng modernong teknolohiya. Kung nakasakay kana rito, ano kayang maiisip mo? Ako, nasubukan ko na ng maraming beses bilang isang estudyante na umiiwas sa masikip na daloy ng trapiko na maaaring maging dahilan ng pagkahuli sa klase. Aaminin ko, nung una bilib ako. Maaaring hindi airconditioned, masikip, hindi maganda ang amoy; pero malaking tipid sa oras at higit sa lahat maganda ang view ng mga gusaling madadaanan. Ngunit kung titignang mabuti, lagpas sa mga skyscraper na nagdedekora sa kamaynilaan ay may iba ka pang makikita na ikababago ng iyong opinion. Dahil sa kabila ng modernong teknolohiya na ginagastusan ng publiko at pamahalaan, ay wala ka nang ibang makikita kung hindi ang bubungan ng squatter na kinakalawang at pinapanatili lamang ng isang gulong. Ito ba ang kahulugan ng kaunlaran? Ang araw- araw na pagsampal ng katotohanan na sa likod ng lahat ng maganda ay parating may kaakibat na kapangitan.. =(
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento